top of page

SINDAK AT SILAKBO

Hindi na lamang sa pagkagat ng dilim mararanasan ang sindak. Hindi na lamang sa lugar na liblib mararamdaman ang silakbo ng damdamin. Kahit kailan, kahit saan, at kahit sino ay maaaring maglabas ng saloobin gamit ang iilang paraan at dahil na rin sa maraming rason dala ng emosyon, pakiramdam, karanasan o kahit pa karamdaman.

 

Paniguradong sari-sari ang mga emosyong masasaksihan at halo-halo ang mga pakiramdam na matutunghayan mula sa mga tauhang iba’t iba ang mga motibasyon at layunin. Ang iba sa kanila ay mga indibidwal na nakatapak pa nga sa lupa ngunit nagdurusa, habang ang iba ay naglalakbay na lamang sa mundo at naninibago, at ang iba ay hindi sigurado kung maituturing pa bang tao, ngunit ang bawat isa sa kanila ay tiyak na sisigaw, iiyak, tutulala, at minsan pa nga ay tatawa, hahagikhik, at hahalakhak sa magkakahalong tunay na inis, galit, poot, hirap o sakit. Ang bawat isang tingin mula sa mga mata, bawat isang salita mula sa bibig, bawat isang galaw mula sa mga kamay, paa, at buong katawan nila ay magbibigay ng gulat, kaba, o takot na maaaring naramdaman na rin ng iba mismo noon o kaya naman ay mararanasan pa lamang sa ngayon.

 

Hindi lamang sa mga karakter na ito ang kanilang mga kwento. Maaaring ito ay galing sa iba, pwede rin namang para sa iyo. Ito ay mga pagtatanghal ng mga karanasan at paglalahad ng mga napagdaanan, ang iba pa nga ay sariling karamdaman, na pwedeng kumurot sa puso at ang iba ay maaaring kumatok sa isipan.

 

Totoo nga bang kung hindi makokontrol ang mga emosyon ng isang tao ay ito mismo ang mamamahala sa kaniyang mga iniisip at ginagawa? Abangan ang mga nakakasabik na pagtatanghal mula sa mga natatanging aktor na tiyak na sisindak at tunay na magbibigay silakbo ng damdamin sa mga manonood.

Official Poster.png
  • PUP LOGO V2
  • TM LOGO V2
  • PM LOGO V2
  • LANTAW LOGO
bottom of page